Linggo, Setyembre 24, 2017

Ganito Kami Noon, Wala Nang Ganito Ngayon




May mga bagay talagang magbabago kahit hindi natin naisin—maaaring makabubuti o makasasama, depende sa ating paniniwala at sa kung paano natin ito yayakapin. Ang Pilipinas ay isa lamang maliit na bansa ngunit tunay nga namang malaki ang pinagbago nito kumpara sa mga nakalipas na taon. Parang ikaw. Kung dati tanga ka lang, ngayon mas tanga ka na!

Para bang napakaiksi lang ng panahon at sariwang-sariwa pa sa ating mga alaala ang mga nangyari at nakaugalian noon na ngayon ay hindi na natin makita. Parang dati lang, binibilog mo pa `yong kulangot mo sabay pitik papunta sa bibig ng kaklase mong nakanganga habang natutulog, ngayon ay tao na ang binibilog mo.

Subukan mong pagmasdan ang iyong dinaraanan. Hindi ba’t usok at maitim na hangin ang humahampas sa `yong mukha? Tipong mapapatakip ka na lang talaga ng ilong dahil sa nakasusulasok na amoy. Subukan mo namang lumingon sa kaliwa mo—may mga magkasintahang naglilingkisan. Try mo namang lumingon sa kanan mo—nagkalat ang mga basura, tae ng pusa, patay na daga, at pati brip ng ex-boyfriend mo. Iyan ay ilan lamang sa mga malalaking pagbabago na nararanasan natin sa kasalukuyan. Narito ang ilan pa sa mga kaibahan ng Pilipinas noon at ngayon.


1. NOON: Uso ang outdoor games tulad ng Patintero, Tagu-Taguan, Agawan-Base, Sipa, Sepak Takraw, Tumbang Preso, Luksong Tinik, Luksong Bakla—este Luksong Baka, Bahay-Bahayan, Habul-Habulan, Teks, Garter, at kung anu-ano pa. ‘Yung tipong kahit madapa ka pa, matapilok, at masubsob sa kumunoy, ayos lang, huwag ka lang mataya. Tapos kapag biglang umulan, guguhit ka lang sa lupa ng araw na nakangiti at voila! Titigil na ‘yung ulan. Uso rin dati ‘yung mga recreational activities tulad ng Chess, Sungka, Billiard, Dama, at Pool. Kaya maraming bata ang malusog noon at walang masyadong sakitin.
NGAYON: Pag-ibig na ang pinaglalaruan. Uso pa rin Bahay-Bahayan, sa totoong buhay nga lang. Sa ngayon, hindi na uso ang outdoor games dahil online games na ang nilalaro ng mga kabataan. Tulad ng League of Legends, DOTA, Crossfire, GTA, Tetris, at kung anu-ano pa. Kaya sa panahon ngayon, hindi na nakapagtataka na mas lalong dumarami ang bilang ng mga kabataang lumalabo ang mata at humihina ang resistensya. Karamihan pa sa mga bata ngayon ay malnourished. ‘Yung tipong kalahating ubo na lang, bibigay na.

2. NOON: Uso ang love letters. Tipong kahit mala-doktor ang handwriting mo, wala kang ibang choice dahil iyon lang ang tanging paraan para makipag-communicate sa nililigawan mo. Madalas nakasulat stationery.
NGAYON: Isang text/tawag/chat na lang ang panliligaw. Hindi mo na kailangan lumabas ng bahay n’yo para lang mag-effort na bumili ng stationery o greeting card para lang magpa-impress sa nililigawan mo. Ang lahat ng gusto mong sabihin ay isang pindot na lang! At wala pang isang minuto, kayo na? Congrats! Napatibok mo ang keyboard! At love letters? Bilang na lang ang mga gumagawa niyan dahil ngayon, long sweet message na ang uso sa Facebook. Tipong ipinagsisigawan n’yo pa sa buong mundo na 1st Weeksary n’yo ngayon at ‘yung message mo pa sa kasintahan mo ay parang huling araw mo na sa mundong ibabaw. Tapos bawat sentence mo pa, may sandakdamak na emojis. Tipong halos lahat ng emoji ay ginamit mo na. Sa last sentence mo naman, may tagline ka pa na: “Tayo ang magpapatunay sa forever na pinagtatalunan ng marami, Dhie! *insert twenty emojis* Harthart. *insert all emojis*” Susundan mo pa `yan ng: “#mHiE&dHiE21f0rEvs #bEnTeUn0 #WaLangTitibagAngTumibagMabubuwag #iCkU4wLhU4rnSxZh4fP4TnUah”. Nagtataka lang ako, bakit ‘mhie/dhie' ang endearment n’yo? Hindi pa nga kayo tinutubuan ng pubic hair pero mag-asawa na ang tawagan n’yo?!


3. NOON: Nauso ‘yung Walkman at Cassette tape. ‘Yung Walkman ay kasing-liit lang ng iPad at ginagamitan din ng earphones bilang antenna. Hindi iyon katulad ng MP3 na puwede kang mag-store ng up to 100 songs dahil ang Walkman ay pang-radyo lang at tanging AM at FM lang ang mapakikinggan mo. Ang cassette tape naman ay ‘yung kudrado na may dalawang butas at mayro’ng itim na film sa loob. Iisang singer lang din ang mapakikinggan mo sa kada isang cassette tape.
NGAYON: Naimbento na ang MP3, MP4, MP5, iPad, Cellphone, SD Card, USB at kung anu-ano pang gadgets kung saan maaari kang mag-store ng 100 songs and above na mula pa sa magkakaibang singers. Ang good news? Hindi lang MP3 ang puwede mong i-download, pati rin videos. 

Halos ganito lang ang itsura

4. NOON: Uso ang payphone. Kahit nga saan ka yata magpunta, may makikita kang gano’n. ‘Yung tipong `pag nagpunta ka sa restaurant, ospital, park at kung saan-saan pa ay ito kaagad ang una mong hahanapin. Nakakabit ito sa isang poste na may maliit na pinto at kulay silver. Bukod sa PNR, ito ang madalas pilahan dati.
NGAYON: Kapag nagpunta ka sa isang restaurant, ospital, park, o kahit naglalakad ka lang sa kalsada ay WiFi agad ang una mong hahanapin. Iyon bang pupunta ka pa sa Luneta Park para lang mag-WiFi. Tapos magagalit ka pa kapag sobrang bagal ng internet, tipong mas mabilis pa ‘yung free data kaysa sa free wifi! Asa ka pang mabilis `yan, e ‘yung traffic nga sa EDSA, hindi na masolusyonan ng gobyerno, iyang WiFi pa kaya? 

5. NOON: Isa sa kulturang Pinoy dati, e ‘yung kapag nanliligaw ang isang lalaki, kailangan niyang pumunta sa bahay ng nililigawan niya. Mag-eeffort pa `yang magbihis, magpabango at magdala ng sangkaterbang lakas ng loob. May dala pa `yang bulaklak, chocolate, teddy bear, love letter, at kung anu-ano pang panuhol. May iba naman na makapal ang mukha at sarili lang ang dala. At may iba rin naman na naghahakot pa ng isang buong barangay para lang mangharana.
NGAYON: Mas marami pa sa patay mong kuko ang bilang ng mga lalaking mag-eeffort ng ganiyan para lang sa nililigawan nila. Sa panahon ngayon, “instant” na ang pagkakaroon ng kasintahan. Tipong ngayon lang kayo nagkakilala, pero after one minute, kayo na agad. Lilipas pa ulit ang isang minuto, nakahubo na kayong dalawa. ‘Yung tipong pumasok kayo sa isang kuwarto nang kayong dalawa lang pero paglabas n’yo, tatlo na kayo.

6. NOON: Tinitilian ng mga kababaihan ang iba’t ibang boy bands. Tulad ng NSync, Backstreet Boys, A1, at Westlife. Hindi lang dahil sa guwapo sila, kung `di dahil na rin sa ganda ng mga kanta nila. ‘Yung tipong cool ang beat, may sense ang mga kanta, at tama lang ang tempo.
NGAYON: Kung dati guwapo ang tinitilian, ngayon, pati guwapo tumitili na rin! Bukod diyan, laos na rin ang mga boy bands dahil ang uso na ngayon ay ang KPop, One Direction, si Taylor Swift, Justin Bieber at Ed Sheeran. Hindi na rin masyadong uso ang mga kantang katulad ng This I Promise You ng NSync dahil ang uso na sa mga kabataan ngayon ay `yong mga pang-emo at rap na kanta. Tulad ng Kriminal, Tatlong Bibe, We Don’t Die We Multiply at kung anu-ano pang ka-jeje-han na madalas mong maririnig kapag lagi kang laman ng mga piso-net.

7. NOON: Comedy ang main genre ng karamihan sa mga palabas—sa TV man o sa sine. Kahit nga ‘yung mga horror at action na palabas ay sinasamahan pa ng comedy. ‘Yung tipo ng mga palabas na `pag napanood mo, e talagang mahuhulog ang pustiso mo sa katatawa. Madalas pinagbibidahan ng Tito, Vic, and Joey, ni Redford White, Dolphy, at kung sino-sino pang mga komikero. Nandiyan din ‘yung mga educational na palabas tulad ng Sine Eskwela, Batibot, Math-inik, Mga Kuwento Ko—este Mga Kuwento Ni Lola Basyang at kung anu-ano pa. ‘Yung tipong kahit nasa bahay ka lang, may matututunan ka kahit papa’no.
NGAYON: Puro rated PG at SPG na ang mga palabas. Tipong may sampalan, sabunutan, sapakan, at “chukchakan” scene ‘yung mga karakter. Wala nang masyadong comedy ‘yung mga pinalalabas sa TV at/o sine dahil ang madalas na main genre ay teen fiction. ‘Yun bang kahit horror ‘yung palabas at nasa gitna ng masukal na kagubatan ‘yung mga karakter, e nagawa pang magsabihan ng ‘i love you’ at magyakapan. Wala na rin ‘yung mga educational TV shows, maski ‘yung mga kinalakhan nating anime.

8. NOON: Proud ang mga Pilipino sa likas at taglay nating kulay kayumanggi at kulot na buhok.
NGAYON: Marami nang nagnanais pumuti kaya kahit mahal ang Glutathione, pinagkakagastusan ito ng mga Pilipino. Bukod diyan, marami na ring mga Pilipino ang nagpapa-straight/nagpapa-rebond ng buhok. Tipong kahit wala nang makain, e nagagawa pang gumastos ng pang-salon at pambiling keratin.

9. NOON: Pilit na ikinukubli ng mga kalalakihan ang pagiging bading.
NGAYON: Mas lalo nang dumarami ang populasyon nila and as early as 8 years old, naglaladlad na.

10. NOON: Paglalaro ng saranggola, pagtirador ng ibon, at paghuli sa mga tutubi ang madalas pinagkakaabalahan ng mga bata.
NGAYON: Sa murang edad ay apoy na ang pinaglalaruan at ibang klaseng “ibon” na ang tini(tira)dor. Mas nauna pang matutunan kung pa’no magpatanggal ng bra sa boyfriend kaysa sa kung paano magsaing.

11. NOON: Kaugalian na sa mga Pilipino ang paggalang sa mga matatanda, ang paggamit ng po at opo, at ang pagmamano.
NGAYON: Tila wala na sa ugali ng mga kabataan ang paggalang at hindi pa sanay kapag gumagamit ng po at opo at kapag magmamano. Kung tutuusin, mas sanay pa silang bigkasin ang mga mura at salitang kanto.

12. NOON: Ang paglalagay ng tattoo ay iniuugnay lamang sa mga preso at/o ex-convict.
NGAYON: Kahit sino ay maaari nang magpa-tattoo—kahit saang parte ng katawan at kahit ano’ng design. Kahit magpa-tattoo ka pa ng dyoga sa noo mo, wala kaming paki. Itinuturing na kasi itong form of art ngayon. At dahil masyado nang maunlad ang teknolohiya, puwede ka na ring magpa-tattoo sa mata. Pero kung gusto mong maging “unique” sa lahat, magpa-tattoo ka sa puson mo at ang ipalagay mo ay: “Come in. I’m open!”.

13. NOON: Ang virginity ay isang malaking isyu sa mga kababaihan. Tipong ang gusto nilang pag-alayan nito ay ‘yung asawa nila at ibibigay lang nila pagkatapos na pagkatapos ng kasal.
NGAYON: Kung kani-kanino na lang ito ibinibigay. Isang kalabit lang, bibigay na. Pangkaraniwan na lang din sa ngayon ang premarital sex at one night stand. Tipong kahit nasaan ang magkasintahan basta’t inabutan ng init ng katawan, hahanap at hahanap talaga ng mapagpupuwestuhan. Madalas na biktima rito ay ‘yung mga tricycle at jeep na walang pinto. Magugulat ka na lang sa hatinggabi, biglang yumuyugyog ‘yung jeep. Teka, baka may nagzu-zumba sa loob?

14. NOON: Conservative ang mga Pinoy. Lalong-lalo na ang mga kababaihan. Halos karamihan ay mahahabang pang-ibaba ang isinusuot. Tinagurian pang Maria Clara.
NGAYON: Liberated na ang mga kabataan ngayon. Paiklian at panipisan na ng telang isinusuot. Ang kalalakihan ay malalakas na ang loob maghubad-baro sa harap ng mga kababaihan. Ang mga kababaihan naman, wala lang pakialam kahit makita na ang kasingit-singitan at kahit naghe-hello to the world na ang cleavage nila. Tapos `pag sinitsitan at/o binastos naman sila ng mga mukhang adik, magagalit. Pero kapag guwapo ang sumitsit, kikiligin. Ang itim na nga ng kuyukot, choosy pa! Hindi na rin uso si Maria Clara dahil ibang Maria na ang uso ngayon—ikaw na ang bahalang mag-isip kung sino.

15. NOON: Library, Recto, at makakapal na mukha—este makakapal na encyclopedia ang pangunahing pinagkukunan ng mga impormasyon para sa assignment, term at research papers.
NGAYON: Google, Wikipedia, Bing, at iba pang search engines ang katapat ng patong-patong mong homeworks. Mas madali pa nga dahil ilang hakbang lang mula sa school n’yo ay may piso-net ka nang makakasagupa. Pero ang totoo, mas mahaba pa ang oras ng pagpi-Facebook mo kaysa sa pagre-research. Saludo na talaga ako sa galing mong mag-copy-paste. How to be u po?

16. NOON: Pinahahalagahan nang husto ang privacy ng mga tao.
NGAYON: Bawat kilos ay ipino-post kaagad sa social media—Facebook, Instagram, Twitter, at iba pang online journals. Tipong pupunta kayo sa restaurant at hindi ka pa nakakapasok ay magpapapicture ka na. Tapos pagpasok mo sa loob, magpapa-picture ka pa ulit, pati ba naman ‘yung pag-upo mo ay pakukuhanan mo pa talaga! At hindi ka pa nakuntento, kung ano pang makita mong puwedeng picture-an sa loob ay pi-picture-an mo rin. Wow, ha! Pati ‘yung in-order mong isang basong tubig at ‘yung tissue na hiningi mo sa waiter ay hindi mo pa talaga pinalagpas! Tapos kapag naubos na ‘yung tubig na in-order mo, papasok ka pa ng CR at doon ka naman maghahasik ng lagim. Todo-pose ka pa sa harap ng salamin para lang ibalandra ‘yung OOTD mo. Ang sarap mong i-flash sa inidoro! Kulang na lang, pati ‘yung paghinga mo ay picture-an mo na rin. At kung hindi ka ba naman talaga makapal, magtatanong ka pa sa waiter kung ano’ng password ng WiFi nila para lang ma-post mo `yang mga ka-abnormal-an mo sa social media. May pa-caption ka pang: “Atm. @PaFameRestoangsarapmongkutusansagumsmgabente jejeje!!! #SeLfieLordSxZc #mErYeNdaLhUanGsZx #g0od_aFtiE...”. S’yempre, maghihintay ka pang i-like ‘yun ng mga arabo mong friends at hihintayin mo pang mag-comment ‘yung mga kaklase mo ng: “Wow! Rich kid!”, kahit ang totoo, wala ka namang ibang in-order kung `di ‘yung isang basong tubig lang na feelingera ka!

Tunay ngang malaki na ang pinagkaiba ng noon at ngayon. Dahil sa pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya at paglago ng mga bagong kaalaman tungkol sa siyensiya, medisina, at ideolohiya ay mas gumagaan na ang buhay ng mga tao. Subalit kasabay ng mga pagbabagong ito ay ang paglaganap ng kriminalidad at iba’t ibang sakit sa bansa. Sa ganitong panahon ay wala nang lugar ang katangahan at katamaran. Kung hindi ka magsisikap, hindi ka uunlad. At kung mananatili kang tanga, mapapariwara ka. Sabi nga nila, walang permanente sa mundo kung `di ang pagbabago. Nasa sa `yo na lang kung paano ka makikisabay sa agos.

**Ang alimnman sa mga larawang ginamit ay hindi sa akin at kinuha lamang sa Google. CTTO.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sugpuin Ang Paglaganap Ng Fake News

Habang lumilipas ang panahon ay mas dumarami ang bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng internet at social media. Sa bilis ng daloy ng m...